Nakilahok ang Port Management Office ng Misamis Oriental/Cagayan de Oro sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) CY 2023 na isinagawa sa ika-9 ng Marso ngayong taon. Kasama dito ang Ports of Cagayan de Oro, Balingoan, Opol, at Benoni, pati na rin ang mga port stakeholders at cargohandling operators.
Sa loob ng Baseport, ang mga emergency vehicles ng cargohandling operator ay dinedeploy bilang parte ng emergency response habang sinasagawa ng PMO personnel ang “Duck, Cover, and Hold”. Samantala, ang Port Police naman ay nag-iinspeksyon at sinisigurong walang napahamak sa loob ng pantalan, at ginagawa ang communication drills sa lahat ng stations upang magbigay-ulat sa mga pinsala at iba pang importanteng impormasyon. Dahil nasa Alert Level 1 ang Cagayan de Oro, pisikal na ginawa ng mga personnel at stakeholders ang earthquake drill.
Isinasagawa ang NSED alinsunod sa inisyatibo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang mas mapabuti ang implementasyon ng security and safety protocols, masiguro ang mabilisang pag-responde sa mga emergency situations.-BCAcedera