Para sa paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa nalalapit na Barangay /SK Eleksyon at Undas 2023, nagsagawa ng inspeksyon ang pamunuan ng PMO MOC sa pangunguna ni Port Manager Isidro V. Butaslac Jr, sa mga passenger Terminal na sakop ng PMO MOC noong Oktubre 25-26,2023.
Nauna ng nagkaroon ng nag pulong ang MOC key personnel noong Oktubre 23, 2023 upang ilatag ang paghahanda at pag-usapan ang mga posibleng pangangailangan ng publiko para masigurado ang kaayosan, kalinisan, sapat na manpower complement, establishment ng Oplan Help Desk at doubleng seguridad. Kalikip nito ay binigyan ng instrukyon si PM Butaslac ang mga Terminal Managers ng Port of Balingoan at Port of Camiguin ukol sa naangkop na paghahanda.
Kasunod nito ang pag labas ng PMO Special Order ukol sa
Standard Operating Procedure for Oplan Biyaheng Ayos: Implementation of Heightened Alert Status During the Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Election and UNDAS 2023
Aktwal na pupunta sa mga nasabing ports darating na Oktubre 31, 2023 si PM Butaslac, Jr.
Samantala, nagkaroon din ng koordinasyon ang PMO MOC sa ibat ibang Port and Maritime Agencies para karagdagang manpower sa Oplan Helpdesk para magbigay tulong at gabay sa mga pasaehero.
P-agbangon
P-ag-unlad
A-bot tanaw
#PPA
#PhilippinePortsAuthority
#PhPorts
“Sa progresibong Pantalan, aasenso ang bayan”
Facebook: @portsauthorityph
Twitter: @ph_ports
Youtube: @ph_ports
Instagram: @ph_ports
Tiktok: @ph_ports