Dumalo ang pamunuan ng PPA TMO Balingoan sa Civic Parade ngayong umaga ng 01 Marso 2023 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Balingoan. Ang parada ay dinalohan ng iba’t-ibang sektor sa Bayan ng Balingoan kabilang na ang PPA na syang nangangasiwa sa Port of Balingoan na sentro ng kalakalan sa naturang bayan. Ang Port of Balingoan ay ang entry point patungog Camiguin Province.

Sa temang “BalingΒ  ni Juan, sa Bag-ong Kina-andan para sa Kalambuan”, ginugunita ang ika-71 na Charter Day ng Balingoan na naitatag noong 01 Mar 1952 sa bisa ng Executive Order No. 490. Ayon sa alamat, ang pangalan ng bayan ay hango sa “Baling ni Juan” (John’s fishing net), na kalaonay naging “Balingoan”.

Maliban sa parada, meron ding iba’t-ibang kaganapan na inihanda ng LGU simula pa noong Pebrero 25 hanggang Marso 1 para sa kasiyahan ng mga mamamayan. Nilalayon ng selebrasyon na maipakita ang pagkakakilanlan nito at maitaguyod ang potensyal nito.

 

Alinsunod dito, kasalukuyang ginagawa ang malawakang port expansion project ng PPA sa Port of Balingoan kabilang na ang modernong Port Operations Building na maaaring makapagsilbi ng mahigit 500 katao. Kaya inaasahang maging ams komportable at mas madali na ang byahe ng mga pasahero patungog Camiguin Province.